Hanna Fernando-Pacua (PHILIPPINES) temporarily leaves her comfort zone to travel, serve, and perform around the world in five months. She hopes to share with you this very meaningful experience.

Up with People provides students with an extraordinary semester of traveling the world. As a student your perspectives on the world will never be the same. UWP is for that certain student who's looking for an intense, hands-on, involved global educational experience. The program addresses the very real need for young adults and leaders who have global perspectives, intercultural understanding, knowledge of worldwide social issues, leadership skills and a dedication to community service. For more information, visit www.upwithpeople.org.

HANNA's SATTELITE SITE and GALLERY (+ photos, videos, calendar) http://www.bananaspinuwp.multiply.com/

Monday, August 20, 2007

Pinoys Around The World

Excuse me, non-Filipino speakers - I just need a break from all that English. This entry shall be written in my native language.

Alam kong madaming Pinoy sa abroad. Kaya nga tumataas ang halaga ng piso, ay dahil sa dolyar na ipinapasok nila sa Pilipinas. Bago ako umalis para sa Up With People, naka-kundisyon na ang sarili ko na maghanap ng Pilipino.

Sabi nga ng kaibigan kong si Pat, "Hanna, wag ka mag-alala - kahit saan ka magpunta, may Pilipino. Pag nalulungkot ka, sumigaw ka lang ng 'baboy' -- sigurado ko, may sasagot sayo!" -- haha natawa ako sa sinabi niyang yon.

Well, hindi ko naman kailangan sumigaw ng baboy para mapansin! Pero ang masasabi ko lang, nandito na ako ngayon sa ika-apat na lugar sa Amerika, at sa lahat nga naman ng lugar ay may Pilipino!

Naalala ko, nakasakay ako sa bus sa Denver, Colorado nang tinanong ng Amerikanong katabi ko kung taga-saan ako. "Philippines," I proudly answered! Aba, bigla na lang may nagtanong mula sa liuran ko... "Saan ka sa Pilipinas?" Siya si Grace na tubong Cebu. Naalala kong tuwang tuwa akong mag-Tagalog.

Sa Denver ko din nakilala si Amy na nagtatrabaho sa mall, may isa pa pero di ko na matandaan! At siyempre, di ko malilimutan si Pastor Carlos at ang kanyang pamilya, at ang kanilang Colorado Community Church. Kung saan ako ay sumama sa church service, kumain ng kanin, nag halu-halo -- at nanuood ng ASAP sa TFC.

Matapos ang Denver, napadpad ako sa Tucson. Doon nag-aaral ang best friend kong si Em - at habang nag-iikot kami sa University of Arizona (o diba? dati sa LB at lobby lang ng Rural ang tambay namin) may nasalubong kaming isa pang Pinoy na taga-LB din. Ang saya-saya.

Ang sumunod naman ay ang Globe, Arizona. Saan yon? isa siyang maliit na town na ilalarawan ko na parang isang lugar mula sa Twilight Zone. Yun bang parang nai-lipat ka ng ibang dimension? Tahimik, antique shops, mga lumang tren.

Maniwala ka't hindi, oo may Pilipino din doon. Anim na guro at ilang mga nurses. Ang host dad kong Amerikano ay may CD pa ni Mark Bautista.

Ngayon, ako ay nasa Sierra Vista, Arizona - ang lugar ng Fort Huachuca, isang US Army Base. Noong isang araw, kasama ako ng isang grupo na nag community service sa base. Kumain kami sa Army Activity Center at napansin ko kaagad ang isang ale.

Ngumiti ako, nagtanong, "Where are you from?" - Siempre, ang sagot nya, "Philippines" . Siya si Greta, 30 years na sa US. May kasamahan pa siyang isa pang Pinay, asawa ng sundalong kano! (Siya naman ang lumapit sa akin at nagtanong, "Where are you from?"). Taga Cavite City si Greta, at yung isa naman (pasensya na, makakalimutin ako) ay taga General Santos City.



Noong hapong iyon kumakain ako ng Mexican food (sawa na ako sa kanya, promise - mahilig ang mga Amerikano sa pagkaing Mexikano) at nagbubugaw ng langaw (oo, may langaw din sa Amerika) nang may batang lalaking (high school siya , grabe matanda na ba ako at "bata" na ang tawag ko sa high school student?) lumapit sa akin, "Hanna?" ang sabi niya.

Matagal ko siyang tiningnan, ngumiti siya at nagsalita... "Kumusta ka?"

Apparently, yun lang ang Tagalog na alam niya. Siya naman si James, ipinanganak sa Pilipinas pero lumaki sa Amerika. Panalo, isa siya sa aplikante sa Up With People. Matagal din kaming nag-usap.

Noong gabing iyon ay may show kami. May bahagi ng show namin na tatakbo kami sa audience at sasayaw. Habang sumasayaw ako't kumakanta, may sumigaw ng pangalan ko. Si Greta! Ang sarap ng pakiramdam ng may kakilala at may kapwa Pilipinong nanonood sayo. Gusto kong umiyak! Mababaw ba? Homesick lang siguro ako. Ang tindi ng kaway ko nang ipakilala sa entablado ang Pilipinas :-)

Kaninang umaga ay nakapagsimba ako sa Catholic Church. Di ako gaanong relihyoso pero ang sarap ng pakiramdam. Isinama ako ng kaibigan ng host family ko.

Ano pa nga ba ang meron sa simbahang Katoliko kundi, Pilipino! Madaming madaming Pilipino! Nakatanggap ako ng regalong novena at madaming yakap mula sa mga kababayan ko. Ang sarap ng pakiramdam. Pati ang paring Amerikano ay marunong ng kaunting Tagalog , at pinatayo ako at pinakilala sa buong Simbahan. "This young lady is travelling around the world with Up With People"

Dinala din ako ni Emily (kaibigan ng host family ko) sa bahay ng kaibigan niyang Pilipino. Tingnan mo nga naman, may bagong hango silang Palitaw! :-)

Hay, overwhelming ang araw na ito. Madami pang kwento pero itong entry na ito ay para lang sa Pilipino. Malamang, mas madaming Pinoy sa San Diego!

Napansin ko lang, lahat halos ng kausap kong Pinoy - nagtatanong, "Bakit hindi ka na lang dito sa Amerika?" Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko , sa Pilipinas pa din ang buhay ko (hindi lang dahil andun ang asawa ko)

No comments: